Ikaw
Ang awit ng pag-ibig ko
Ang himig nitong aking puso
Dalanging makapiling
Sa Diyos aking hiling.
Ikaw
Ang kislap sa aking mata
Ang halik sa aking labi
Ang alaala sa aking isip
Pangarap ko’t panaginip.
Ikaw
Ang ligayang hinahangad
ng pusong nalulumbay;
Ang pag-ibig na tinatangi
Sa buhay ay lagi.
Ikaw
Ang alaala ng kahapon
Mga sandali ng ngayon
Ang pangarap ng bukas
At pangako sa magpakailanman
©2017 Pages & Footprints | All rights reserved

