Epic example sa pagkakaiba ng mga biglaan versus planadong lakad ng tropa..Isa to sa mga biglaan. Yung tipong habang sabay kami kumakain at nagkukwentuhan ng kaibigan ko, bigla na lang kaming nagkasundo at nagdesisyon na pumunta sa Tagaytay.. Strike pa mandin ng mga jeepney drivers at apreho kaming walang sasakyan kaya hindi rin namin alam kung may masasasakyan kami..
12pm na kami nakaalis sa Makati. Sa Edsa, sumakay kami ng bus papuntang Dasma (51pesos sa Jasper bus) Nag-sidetrip muna ako sa Dasma dahil may kailangan akong iwanang papel sa DLSU-D. 3:15PM Sumakay kami ng bus papunta sa tagaytay (42pesos). 4:30pm, nakarating kami sa Lourdes Church. Nagsindi kami ng kandila at ipinanalangin namin ang mga pangarap namin. Bago mag 5pm, hinanap namin ang malapit na Bag of Beans, pero sarado na pala yung malapit sa Rotonda kaya nagkasundo kami na puntahan na lang yung Starbucks.. Pwede sumakay ng jeep (10pesos). Pero trip namin ang mahabang lakad para makapag-isip ng malalim at mapasok ang mga magagandang lugar sa daanan. Isa sa mga nadaanan namin ang DreamlandPh Arts and Crafts Cafe.. May mga benta silang dream catchers at iba’t ibang art crafts. Huminto kami sa isang tindahan na may barbeque at fishballs.. Nagmeryenda ako ng inihaw na pa ng manok (10pesos for 2pcs) at hotdog (10pesos). Umorder ang kibigan ko ng inihaw na isaw (20pesos 3pcs).
Pagdating namin sa Starbucks bandang 6PM saka namin naalala na pareho naman pala kaming hindi mahilig sa Starbucks coffee. Kaya umorder na lang ako ng signature hot chocolate (140pesos). Nagpicture picture lang tapos umalis na din kami agad. Dahil nga pareho kami mahilig maglakad… Kaya alam nyo na, nilakad uli namin mula Starbucks pabalik sa Rotonda. May nadaaanan kaming flower shop at napabili kami ng halaman (60pesos isa). Huminto kami sa Galaxy Restaurant (sa rotonda mismo) para maghapunan. Umorder ako ng lechong kawali with rice, soup and iced tea (120pesos) habang sa kaibigan ko, sizzling porkchop with rice, soup and iced tea (120pesos) (plus24 pesos na service charge.)
8pm sumakay kami ng bus pabalik sa Pasay (77pesos) tapos MRT (16Pesos.)
